Free Dental Treatment Philippines


Monick : hello po, doc. pasensya na po kung mahaba po ang mga susunod kong mensahe at salamat sa pagbasa nito.

ako po ay 19, mga ilang buwan na lang po at magiging 20 na. lumaki po akong hindi nagpapa dentista. ako po ay naging suwail na bata sa edad na lima at hindi nagtu-toothbrush. noong nagsimulang mabungi at magka sungki sungki, isang beses na mag-toothbrush.
nagsimula na akong maging conscious noong nag highschool na ako at 2 beses na ako magtoothbrush kada araw hanggang ngayon.

pero, sa loob ng 14 na taon, masasabi kong malaki ang pagsisisi ko sa nangyari sa buong ngipin ko nang maranasan ko na ang mga karmang inaabot ko dahil sa pagpapabaya ko. ilang beses kong inobserbahan ang aking bunganga at aking nakita kung gaano kasira sira ang aking mga ngipin. sungki-sungki, basag at butas ang magkabilang ipin sa bagang, baby teeth na bulok na tabas at hindi na matanggal, mali maling alignment sa harapan at iba pa. hindi lang siya sira sira, mukha yatang maraming infection ang nagkalat na rin.

dahil na din dito at nadevelop ang aking pagiging hypochondriac. tumatakbo kagad ang isip ko na mamatay ako dahil dito.

ngayon mga nakaraang gabi, sumasakit ang ipin ko sa kaliwang bagang. pati ang mga ugat ko sa kaliwang tenga at papuntang ulo ay sumasakit na rin at nadadamay. tinatapatan ko ng mefenamic para matanggal ang kirot pansamantala para makatulog pero hindi siya tumatalab.

napag uusapan na namin ito mag ina at lagi niyang sinasabi na imposible sa pribadong clinic ito maresolba at sa mahal ng presyo nito aabutin sa lala ng ngipin ko, ayon sa kanya. kung kaya't na-suggest niyang sa center/munisipyo kami pumunta at dun mag appointment. pasalamat na rin ako dahil kahit papaano may option pa rin.

pasensya na po talaga sa haba at marmaing salamat sa abala sa pagpansin sa aking isyu. para lang akong nagkwento at walang tanong o kung ano man. pero, kung may advice po kayo, sabihin niyo lang po.

more power to you, doc. salamat.
- Monick

Ask the Dentist : Okie din naman sa center. Free pa ang service.

0 comments:

Post a Comment