Self-ligating Braces

Joy : doc, ano po ba ang meron sa self ligating braces? ano po ang pinagkaiba nito sa traditional na braces?

Ask the Dentist : Mas mabuting tanungin mo ang dentist mo nang maipaliwanag mabuti.

Joy : Doc, i have very small teeth po sa baba.. pwede po bang mapalagyan ng braces kasi may mga tiny spaces po in between. Size po ng ngipin ko ay parang sa mga 6-10 yrs old. Im 15 na po.. please help. Thanks.

Ask the Dentist : Pwede.

Braces and Financial Problem

Kenji : Doc, i would just like to ask na ano mangyayari kung 8 months hindi bumalik sa dentist para mag pa adjust and clean ng braces and teeth? ano po yung possibility na mangyari? kasi po may financial problem kami

Ask the Dentist : Mababalewala yung mga adjustment dati. Pwede magkaroon ng madaming caries. Mapapatagal ang treatment. Babaho ang hininga. Kung may nawalang bracket, syempre pag papalitan, babayaran mo.

Self Ligating Braces

Raymond : hi doc. saan po ba ung location nyo and gusto ko po ung self ajust kasi po nag babarko po ako mag kano po b un?

Ask the Dentist : Mas mabuting kapag nanatili ka na sa pinas saka ka magpabraces. Ikaw ang mahihirapan.

Raymond : kahit po b ung self adjust bawal sayang naman kasi may nakikita ako mga naka brace at self adjust every 7 months e nasa pinas ako

Ask the Dentist : Try mo. Wala namang makakapigil kung gusto mo eh.

Raymond : saan po b best dentist ser Tondo manila po ako

Ask the Dentist : Tignan mo ang malapit: http://askthedentistphilippines.blogspot.com/p/dentists.html

Raymond : wala po part ng manila

Ask the Dentist : Oks.

Braces na hindi tinuloy

Rouvinn : Hi! I had my braces installed from a dentist in Tacloban, Leyte. I had it for more than a year already. I will be studying here in Manila this June and Im planning to have my braces removed. Where can I have it removed and have it replaced with retainers? How much does it cost? Im really on a tight budget btw. Does retainer needs to be adjusted too? How often then? I hope this could be done before the classes starts? Thanks for your prompt response.

Ask the Dentist : Kung kaninong dentist mo sinimulan, sa kanya mo tapusin.

Rouvinn : He's in Leyte kasi. And naka base na kami sa Manila. Di ko alam kung when kami babalik siguro sa December for the family reunion.

Ask the Dentist : Alright. Sabihin mo sa dentist mo kung ano ang nangyari.

Rouvinn : Di ba pwedeng ibang dentist nalang dito?

Ask the Dentist : Try mo.Ilang beses ka nagpaadjust sa dati mong dentist?

Rouvinn : Di ko mabilang. 16 mos na to. Tas minsan twice a month pa ako mag pa adjust. May rough estimation po ba kayo kung magkano ang both upper and lower retainers?

Ask the Dentist : Hindi ko lang alam base sa condition na makikita sa bibig mo. Asahan mong mahal. Lalo na't tatanggalin pa.

Rouvinn : Maayos naman na ngipin ko. Natatakot lang ako na pag tanggalin, baka pumangit ulit. May nag quote sakin ng 3800 dito sa city. Meron ding 3000 pero malayo sa parang unahan pa ng SM Fairview.

Ask the Dentist : Oks.

Pastang Sumasakit


Mhaldita : doc,,ask ko lang po anung gamot sa sakit ng ngipin yung may pasta ko po kasi sa harap sumasakit pero matagal na po itong pasta ilang years na din po…..kasi po sumasakit at nangingilo….

sana po mabasa nyo itong katanungan ko thanks po...

Ask the Dentist : Ipatingin mo sa dentist para makita kung ano ang cause ng pananakit. O kaya'y ipaxray mo at isend mo ang litrato ng xray sa akin.

Dentist in Gen San


MayZy : any recommended dentist here in gensan ?

Ask the Dentist : Wala. see my Recommended Dentists Page .

Pasta sa Pudpud na Ngipin


Paul : Doc musta po kita ko sa net itong link niyo gusto ko lang po sana mag tanong marami po akong napabayaan na ngipin yung iba po napudpud na balak ko na po ipabunot pero gusto ko lang po sana itanong kung posible pa po ba na mapasta ang pudpud na ngipin o dipende po sa sitwasyon ng isang ngipin.. Mag kano na po ba cost ng pabunot ng ngipin sa mga private dental clinic? Thanks

Ask the Dentist : Mabuti pa ipapanoramic x ray mo muna para makit kung pwede pa irestore.

Bridge para sa Bagong Bunot


Merly : doc kailangan pa po ba tlga pahilumin ang bagong bunot na ipin bago i fixed brige ? d po ba pede pagkatanggal fixed bridges agad?

Ask the Dentist : Yes kailangan. Pwede ka magpagawa ng temporary bridge kung sa harap yang bagong bunot.

Teeth Cleaning Cost


Melody : ask ko lng po kung magkano magpa cleaning ng ngipin?

Ask the Dentist : Depende kung gaano kadumi. Kung sa tanang buhay mo eh ngayon ka lang nagpacleaning asahan mong 1,000 pataas yan.

Melody : pero pg hindi msayadong marumi mura lng po ba? mnila price po ba yung 1k?

Ask the Dentist : Kadalasan ang pasyente nagtatanong sa dentist kung malalang malala na ang sitwasyon.

Ilang Days ang Denture


Lhet Lhet : ilang days pla ang denture bgo makukuha? thanks po

Ask the Dentist : Depende sa klase ng denture.

Lhet Lhet : gusto ko sana ng valplast mukhang mas maganda

Ask the Dentist : Masama ang valplast sa bibig ng tao.